Tahasang ibinunyag ni Partido Reporma presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson sa isinagawang press conference sa Sta. Rosa, Nueva Ecija na talagang napabayaan ng gobyerno ang agrikultura sa bansa.
Ipinunto ni Lacson na 3.2 Milyong hectares pa lamang ang may irrigation sa Pilipinas o 66% pa lamang sa kabuuang sakahang lupa.
Ikinumpara pa ni Lacson ang Pilipinas sa Thailand na nasa 6.4M hektarya irrigable land at maging sa bansang Vietnam na malaki na rin ang may irrigation.
Ayon Kay Lacson mahigit sa 1/3 ng sakahang lupa ng hindi pa na-irrigate.
Iminungkahi pa ni Lacson na Kung seryoso ang gobyerno na iangat ang agrikultura sa bansa at may lider na lalabanan ang kurapsyon tiyak na madaling makakarekober ang mga agrikultura o ang mga lokal na magsasaka.
Inihalimbawa pa ng senador ang kanyang maliit na gulayan sa lalawigan ng Cavite na may solar power na bumobomba sa kanyang irigasyon.
Aniya, maraming paraan o innovation ways kung gugustuhin ng gobyerno.
Iginiit ni Lacson na maraming ilog at lawa sa Pilipinas na pagkukuhaan ng tubig para gamiting irigasyon pero pagdating sa implememtasyon nangingibabaw pa rin ang pagkagahaman at ang kurapsyon na mas inuuna pa ang importasyon sa halip na ibuhos ang suporta sa mga lokal na magsasaka.