Agta na Inabutan ng Panganganak sa Daan, Malusog na Isinilang ang Sanggol

Cauayan City, Isabela-Ligtas na isinilang ang sanggol ng isang Agta makaraang itong tulungan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lasam na nanganak sa gilid ng kalsada sa bayan ng Lasam, Cagayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Fire officer 1 Dustin Bosi, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang opisina upang ipagbigay-alam ang panganganak ng isang Agta na nakilalang si Perla Danao sa Brgy. Centro 2.

Ikinuwento pa ni Bosi na pauwi na sana sa kanilang bahay si Danao mula sa palengke ng biglang makaramdam ng pananakit ng tiyan at tuluyang manganak sa isang waiting shed.


Sa ngayon ay malusog ang anak na babae ng Agta makaraan ang nangyaring sitwasyon.

Photo: BFP Lasam

Facebook Comments