AGUILAR PNP, PATULOY ANG PAKIKIPAGDIYALOGO SA MGA KANDIDATO

Mas pinaigting pa ng Aguilar Police Station ang kanilang pagbabantay para sa seguridad ng bayan kasunod ng election period.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Aguilar PS Deputy for Operation PCpt. Jesus Flores, regular ang kanilang pagbisita sa mga kabahayan ng mga aspiring candidates sa bayan

Layon umano nitong matututukan ang seguridad ng publiko upang maiwasan ang pagkatala ng anumang election-related incidents or violence.

Bagamat kabilang sa Yellow Category o Areas of Concern ang Aguilar, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman umanong naitatalang anumang tensyon o kaguluhan kaugnay nito.

Samantala, patuloy din ang pakikipagdayalogo ng mga ito sa mga local candidates upang malaman kung mayroon pang ibang mungkahi ang mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments