Aguirre, muling ipinanawagan na magbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na magbitiw na sa puwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos na makuryente sa impormasyong nagpulong ang mga mambabatas mula sa oposisyon sa Marawi City.

Ayon kay Alejano, nakababahala ang pagtanggi ni Aguirre na mag-public apology gayong sensitibong isyu ang ang pagdawit into sa pangalan ng mga mambabatas sa mga terorista.

Sa ginawa aniya ng kalihim, maliwanag na hindi ito tumatanggap ng pagkakamali.


Kumbinsido rin si Alejano na magaling gumawa ng kasinungalingan at magpatahimik ng kritiko si Aguirre na katulad aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahilig magdawit ng mga pangalan ngunit wala namang ebidensya.

Sa huli, ang gobyerno na mismo aniya ang gumagawa ng sariling destabilisasyon dahil sa ginawa ni Aguirre na naturingang kalihim ng ahensyang nagtataguyod dapat ng katotohanan at hustisya para sa taumbayan.

Una nang sinabi ni Aguirre na dapat mag-move on na sa isyu kung saan idinadawit nina Senador Antonio Trillanes, Bam Aquino at Alejano na nagpulong sa Marawi bago mangyari ang pakikipaglaban sa Maute group.
DZXL558

Facebook Comments