Agusan Del Norte Provincial hospital, binigayan ng 34 million pisong assistance ng PCSO

Pormal nang nilagdaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at ng Agusan Del Norte Provincial Government ang Memorandum of Agreement o MOA o kasunduan sa 34 million pesos na tulong ng PCSO para sa Agusan Del Norte Provincial Hospital.

Ayon kay Royina M. Garma, Vice Chairperson at General Manager ng PSCO, ang nasabing halaga ay ibinili ng Computed Tomography Scanning Machine na nagkakahalaga ng 30 million pesos at isang portable x-ray machine na nagkakahalaga ng 4 million pesos.

Aniya, dahil dito mas mapapaigi pa ang serbisyong maibibigay ng sanabing ospital sa kanilang mga pasyente.


Hinikayat naman ni Garma, ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga produkto ng PSCO para mas marami pa ang matulongan nito.

Nagpapaabot naman ng pasasalamat ang gobernador ng Agusan Del Norte na si Governor Dale Corvera sa pamunuan ng PSCO.

Isinagawa ang paglagda ng nasabing kasunduna ngayon araw sa PCSO office Madaluyong City, na dinaluhan nina PSCO Vice Chairperson at General Manager Royina M. Garma, Agusan Del Norte Governor Dale Corvera at Dr. Odelio Ferrer, taga-pangulo Agusan Del Norte Provincial hospital.

Facebook Comments