Hindi muna babaguhin ng pamahalaan ang pagitan ng primary dose ng bakuna kontra COVID-19 at booster doses.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi muna gagayahin ng Pilipinas ang ginawa ng ibang bansa kung saan pinaikli ang panahon sa pagtuturok ng booster shots.
Sinabi ni Vergeire na malinaw sa Emergency Use Authorization (EUA) na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) na tatlong buwan ang pagitan para sa bakuna ng Johnson and Johnson habang anim na buwan ang agwat ng booster shots sa iba pang bakuna na may 2nd dose.
Pag-aaralan pa aniya ng mga eksperto ang mas maikling pagitan sa pagtuturok ng booster doses at primary o unang dalawang doses.
Facebook Comments