Ahensiyang tututok sa mga drug buy-bust operation, isinusulong ng isang senador

32

Isinusulong ngayon ni Senate President Vicente Sotto III ang pagkakaroon ng isang ahensyang mag-aatas sa Philippine National Police (PNP) na tutukan ang mga drug buy-bust operation.

Ayon kay Sotto, layon nito na maiwasan ang mga misencounter gaya ng nangyari sa pagitan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City kung saan tinatayang nasa apat na katao ang nasawi.


Ang PDEA naman ang mangangasiwa ng drug bust operation ngunit hindi sila ang kailangang magsagawa nito.

Matatandaang nitong Lunes nang buksan ng Senate Public Order and Dangerous Drug Committee ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring misencounter sa pagitan ng PDEA at PNP noong Pebrero.

Facebook Comments