Ahensya na mangangasiwa sa mga dam, inihain sa Senado

Isinusulong ni Senator Kiko Pangilinan ang Dam Safety Act na layong mapangasiwaan ang lahat ng mga dam sa bansa bunsod ng matinding pagbaha

Iginiit ni Pangilinan na kailangang kumilos at mahalagang makapagligtas ng buhay bago pa man tumama ang kalamidad matapos ang pagbaha sa maraming lugar dahil sa pananalasa ng bagyo at habagat.

Sa ilalim ng panukala ay magtatatag ng National Dam Safety Authority na siyang kokontrol, mangangasiwa at magtutugma sa mga operasyon kasama ang early warning system ng lahat ng dams sa bansa.

Lilikha ito ng holistic, komprehensibo at proactive na national dam safety program para mabawasan ang socioeconomic at environmental impact nito tulad ng posibleng pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng buhay.

Kasama rin sa itinutulak ni Pangilinan ang Disaster and Emergency Act of 2025 na magtatatag ng Department of Disaster and Emergency Management na siyang hahalili sa kapangyarihan at tungkulin ng NDRRMC at Office of Civil Defense.

Sesentro naman ang ahensya sa integration ng disaster risk reduction and management at climate change adaptation gayundin ang pagpapatupad ng humanitarian emergency assistance at disaster risk reduction and management programs.

Facebook Comments