Ahensya na poprotekta sa ani ng mga magsasaka, itinutulak sa Kamara

Isinusulong sa Kamara ang pagbuo ng “Philippine Crop Protection Agency” na layong tulungan at palakasin ang sektor ng agrikultura.

Sa House Bill 10511, ay ipinatatag ang ahensya na lilikha naman ng “National Crop Protection Program” para maprotektahan ang mga ani at mga produkto ng mga magsasaka gayundin ang mapaigting ang quarantine at management efforts at iba pang mga aktibidad na makakatulong sa sektor ng agrikultura.

Ang panukala ay nakabinbin pa rin sa House Committee on Agriculture and Food na inaasahang matatalakay sa oras na magbalik sesyon ang Kongreso.


Tinukoy sa panukala na ang Pilipinas ay karaniwang tinatamaan ng mga kalamidad na nakaka-apekto sa mga lokal na magsasaka at kanilang kabuhayan.

Bukod dito, malaking problema rin ng mga magsasaka ang mga tumatamang peste sa mga produkto, at mga sakit sa mga baboy, manok at iba pa.

Ipinunto pa ang kahalagahan sa pagbuo ng ahensya na tututok sa proteksyon ng mga ani dahil karaniwang ang mga magsasaka ay walang sapat na pera o suporta kapagnangyayari ang mga naturang na suliranin.

Facebook Comments