Ahensya Para Sa Mga Drug Addicts, Hiniling Na Itatag Ng Isang Kongresista

12

MANILA – Isinusulong ng isang Kongresista ang pagtatatag ng isang ahensya na tututok lamang sa rehabilitasyon ng mga drug addicts na sumusuko sa pamahalaan.Plano ni 1Pacman Rep. Michael Romero na isulong ang isang ahensya na tutugon sa pangangailangan at paggaling ng mga drug addicts.Masasayang lamang ang pagod ng gobyerno sa pagpapasuko sa mga drug addicts dahil bumabalik lamang ang mga ito sa masamang gawain dulot ng kakulangan sa plano at programa para sa mga ito.Balak ng kongresista na magtulak ng panukala para tanggapin sa trabaho ang mga sumukong drug addicts kahit mas mababa pa sa minimum wage ang sahod.Bukod dito, kailangan din na magkaroon ng sports clinics sa maraming lugar sa bansa para sumabak sa sports ang mga sumukong adik bilang bahagi ng pagbabagong buhay ng mga ito.

Facebook Comments