Ahente na Nagbebenta ng Droga Online, Timbog

19

Cauayan City, Isabela- Arestado ang notoryus drug pusher matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad kagabi sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Nakilala ang suspek na si Cris Sean Jean Miguel Marquez, 35-anyos,may kinakasama, online agent at residente ng Purok 5, Brgy. Malvar sa nasabing siyudad.


Naaresto ang suspek matapos umanong bentahan ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P4,500 na buy-bust money.

Nakumpiska kay Marquez ang isang pekete ng hinihinalang shabu.

Nabatid na ang suspek ay dati ng naaresto sa kaparehong kaso subalit ‘dismissed’.

Ayon pa sa mga otoridad, ang pagkakaaresto sa suspek ay posibleng magresulta ng mahinang suplay ng iligal na droga sa lugar.



Si Marquez umano ay nagbebenta online.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


📸PRO2

Facebook Comments