Ahente, Nagpositibo sa Anti-body Rapid Test

Cauayan City, Isabela-Nagpositibo sa anti-body rapid test ang isang ahente ng kumpanya na residente sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa panayam sa nagpositibo sa rapid test, nananatili ito sa inilaang isolation facility ng kanilang kumpanya para matiyak ang kanyang kaligtasan at ng iba pa.

Aniya, hindi kinakailangan na magpanic ang publiko dahil sa kanyang sitwasyon ngayon dahil nasa maayos itong kondisyon .


Giit niya, walang siyang history ng pagbiyahe sa Metro Manila taliwas sa kumakalat na impormasyon at wala rin ito sa Bahay Pag-asa o ang isa sa mga quarantine facility ng lungsod.

Inihayag din niya na kinailangan niyang sumailalim sa 14 days quarantine base na rin sa sinabi ng mga doktor habang hinihintay ang resulta ng kanyang swab test.

Paliwanag pa niya, sumailalim ang iba pa niyang kasamahan sa trabaho subalit siya lang ang nagpositibo sa rapid test.

Hindi rin aniya ito pumunta sa kilalang mall sa siyudad sa kabila ng kumakalat na impormasyon na namasyal ito sa mall.

Bagama’t nagpositibo sa rapid test, hindi nangangahulugan na pasok na sa talaan ng Department of Health dahil ayon sa ahensya ang mga magpopositibo sa rapid test ay kailangan pang dumaan sa confirmatory testing para mapatunayan kung ito nga ba ay talagang coronavirus disease 2019 o Covid-19.]

Facebook Comments