AHENTE NG GAMOT, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking ahente ng gamot matapos itong magpositibo sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust operation kagabi, ika-9 ng Hulyo sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Nabentahan ng suspek na si alyas “Len”, 39 anyos, residente ng nabanggit na Barangay ang awtoridad na nagpanggap na buyer ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Bukod sa buy-bust item, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang 1000 peso bill na siyang buy-bust money, isang cellphone, ID, at motorsiklo.


Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Alyas “Len”, aminado itong gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot ngunit itinanggi nito na sakanya galing ang nakumpiskang buy-bust item.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cauayan City PS ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments