AHENTE NG LUPA SA ROSALES, PATAY SA PAMAMARIL NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK

Nakahandusay na sa sahig ang isang lalaki nang abutan ng mga rumespondeng pulis matapos umanong pagbabarilin sa Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang ahente ng lupa at residente sa lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkasagutan pa umano ang biktima at ang hindi pa nakikilalang suspek malapit sa bahay ng biktima bago ang pamamaril.

Paalis na umano ang biktima nang humugot ng baril ang suspek at dalawang beses na pinaputukan ang biktima.

Ilang ulit pa umanong nagpaputok ang suspek bago tuluyang tumakas.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon at dragnet operation ng awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.

Facebook Comments