Ahente ng Palay, Sugatan sa Pamamaril!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang ahente ng palay matapos itong barilin ng hindi pa matukoy na suspek bandang alas dose kaninang madaling araw sa Brgy San Placido, Roxas, Isabela.

Ang biktima na si Christopher Cabanilla, 36 y/o, may-asawa, at residente ng Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Executive Master Sergeant Fernando Silapan, chief of invest ng PNP Roxas, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay galing sa isang lamayan sa kanilang barangay at nang makarating sa harap ng kanyang bahay ay bigla itong binaril ng suspek.


Natamaan sa kaliwang bahagi ng kamay ang suspek na tumama rin sa kanyang katawan na agad namang dinala sa pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng bala ng Magnum Caliber 22.

Ayon pa kay P/Executive Master Sgt Silapan, kasalukuyan pa ang kanilang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril subalit isa sa kanilang tinitignang motibo ay ang pagbabanta umano ng nakaaway ng kanyang hipag nitong mga nakalipas na panahon.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang nasabing biktima.

Facebook Comments