Ahtisa Manalo, magbabalik-bansa matapos ang matagumpay na laban sa Miss Universe 2025 sa Thailand

Pilipinas, the queen is coming home!

Magbabalik-bansa ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo mula sa katatapos lamang na Miss Universe 2025.

Mula sa kaniyang matagumpay na laban sa Thailand, nakatakdang dumating si Ahtisa mamayang 11:15 ng gabi sa NAIA Terminal 1 kung saan ito sasalubungin ng kaniyang mga supporter.

Hiling naman ng ilan sa Miss Universe Philippines Organization (MUPHO) na bigyan ang beauty queen ng kaniyang well-deserved homecoming parade.

Maaalalang tinanghal na Miss Universe 2025 third runner-up si Ahtisa, at isa sa mga kinilalang winner sa “beyond the crown” category ng kompetisyon.

Facebook Comments