Ahtisa Manalo ng Quezon Province, kinoronahang Miss Universe Philippines 2025

Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2025 ang pambato ng Quezon Province na si Ma. Ahtisa Manalo.

Nadapa man sa kanyang evening gown perfromance, ‘the show did go on’ kay Ahtisa na agad bumangon at patuloy na inirampa ang kanyang pink na gown.

Sa final Question-and-Answer portion, tinanong si Ahtisa kung ano ang isang pangyayari sa kanyang buhay na nagsilbi siyang halimbawa bilang isang mahusay na lider.

Tila naging ‘lucky charm’ pa nga ni Ahtisa ang pagkadapa sa stage na hinugutan niya ng kanyang winning answer.

“I fell a while ago on stage. And the thing with me is, whenever I fall in life, I always make sure I come back stronger.”

“Last year, I was here on this stage and for the second time this year, I’m here putting everything on this stage to be Miss Universe Philippines because this is mine and my grandmother’s shared dream. And she passed away early this year. And this is my ode to her.”

Samantala, sasabak si Ahtisa sa Miss Universe 2025 sa Novermber 21 sa Thailand.

Itinanghal naman bilang Miss Philippines Supranational si Katrina Llegado ng Taguig; Miss Philippines Eco-International si Gabriella Carballo ng Cebu City; Miss Philippines-Cosmo si Chelsea Fernandez; 1st Runner Up si Winwyn Marquez ng Muntinlupa at 2nd Runner Up si Yllana Marie Aduana ng Siniloan, Laguna.

Facebook Comments