Ai-Ai delas Alas, kinundena ang natanggap na panlalait dahil sa opinyon sa isang K-Drama

Instagram/@msaiaidelasalas

Ikinalungkot ni Ai-Ai delas Alas ang naging reaksyon ng publiko, lalo na ang mga nanlait sa kanya matapos sabihing hindi niya nagustuhan ang South Korean drama na “The King: Eternal Monarch”.

Sa Instagram post ng Comedy Queen nitong Huwebes, partikular niyang kinundena ang pagtawag sa kanya ng “bobo” ng Facebook user na Noel de Ocampo, isang guro.

“Nalungkot lang ako dahil mga kababayan ko pa ang nagmura at nilait ako at tinawag ng kung anu-ano,” saad niya sa post.


“Mga kababayan kong kahit papano sa 30 taon ko sa telebisyon at pelikula ay napangiti o napatawa ko sa munti kong kakayahan sa pagpapatawa na talentong bigay ng Panginoon sa akin… ngunit ng dahil lamang sa K-DRAMA ito ay tinawag nila akong bobo, walang alam, walang kwentang artista,” dagdag niya.

Binigyang-diin niya naman ang pambabastos ng nasabing netizen na aniya dapat sana bilang guro ay maging ehemplo para sa mga kabataan.

Kasama sa post ni Delas Alas ang screenshot ng reaksyon sa Facebook ni Ocampo na nagsasabing: “AMBOBO MO NAMAN AI AI. HINDI MO GETS YUNG FLOW NG STORY? HINDI MO ALAM YUNG PARALLEL UNIVERSE? hahahah. Pathetic.”

View this post on Instagram

Una sa lahat hindi ko alam bakit umabot sa ganito ang mga ugali ng mga tao sa panahon ngayun.. Sa 30 years ko sa industriyang ng telebisyon at pelikula , hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong pang babastos ng dahil lamang sa nanood ako ng kdrama na hindi naayon sa aking panlasa…pagmumura ng mga kabataan at pambabastos ng mga tao at maging ng isang guro na dapat ay maging isang ehemplo para sa kabataan.. Diba, nakakatawa mang isipin na ang palabas na ito na THE king ay nakakuha ng all time low ratinGS ayon sa soompi( korean website) meaning pati mga koreans ay marahil hindi din nagustuhan ang palabas na ito ..nalungkot lang ako dahil mga kababayan ko pa ang nagmura at nilait ako at tinawag ng kung ano ano … mga kababayan kong kahit papano sa 30 taon ko sa telibisyon at pelikula ay napangiti o napatawa ko sa munti kong kakayahan sa pagpapatawa na talentong bigay ng panginoon sa akin .. ngunit ng dahil lamang sa KDRAMA ito ay tinawag nila akong bobo , walang alam, walang kwentang artista……Bilang isang ina, tinuturuan ko ang mga anak ko na maging magalang sa mga tao lalo na sa mga nakakatanda sakanila. Pero tinuruan ko din sila na lumaban ng patas lalong lalo na kung sila ay naapi. Nakakatawa nga kasi hindi nila sinusn😆😊 yung advice ko. Hinahayaan nila mga taong umaapi sakanila, pero pag dating sa mga bashers ko dun lang sila nag sasalita. At proud ako kasi hindi sila sumasagot ng bastos, they can still objectively participate in arguements.. ( sana ang kabtaan ay ganito din pero sa panahon ngayun ay ginagamit nila ang social media upang mailabas ang kanilang saloobin ng taliwas sa magandang asal at pag uugali ng isang tao ..)Sana maging aral ito sa mga cyber bullies. Maari naman kayong mag voice out ng opinyon or pakiramdam at saloobin ,pero hindi nyo kailangan murahin at durugin ang pagkatao ng isang tao tao na wala naman ginawa sa inyo kundi mag lahad ng kanyang opinyon sa palabas na hindI nya gusto ( iba din ito sa pagkakaintindi nyo na hindi ko naintindihan )sana din respetuhin nyo lahat ng tao sa industiryang kinagagalawan namin. Hindi natin alam mga pinag dadaanan ng bawat isa, kaya dapat we think before we click. GOD BLESS 🙏🏼

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Kaugnay nito, sumulat ang comedienne sa guro na humingi ng public apology sa naturang post na inilarawan ng aktres na “out of context, personal, irresponsible and malicious.”

Base sa mga sumunod na larawan, tumugon naman dito si Ocampo na aminadong “damaging” at “beyond the boundaries of being an educator” ang kanyang naging post.

“Sana maging aral ito sa mga cyberbullies. Maari naman kayong mag voice out ng opinyon or pakiramdam at saloobin, pero hindi nyo kailangan murahin at durugin ang pagkatao ng isang tao tao na wala naman ginawa sa inyo kundi maglahad ng kanyang opinyon sa palabas na hindi nya gusto (iba din ito sa pagkakaintindi nyo na hindi ko naintindihan) sana din respetuhin nyo lahat ng tao sa industiryang kinagagalawan namin,” panawagan ni Delas Alas.

“Hindi natin alam mga pinagdadaanan ng bawat isa. Kaya dapat we think before we click. GOD BLESS,” aniya.

Facebook Comments