Ai-Ai Delas Alas, may pre-nuptial agreement sa boyfriend na si Gerald Sibayan

Showbiz – Inamin ni Ai-Ai Delas Alas na may pre-nuptial agreement sila ng boyfriend na si Gerald Sibayan bago ang kanilang kasal sa Disyembre.

Ayon kay Ai-Ai, si Gerald at ang kaniyang ina ang nag-suggest ng kanilang pre-nup agreement.

Say pa ng Comedy Queen na hindi na dapat maging isyu ang agreement nila ni Gerald lalo’t hindi naman pera ang magiging batayan ng pagsasama nila.


Dapat ay sa 2018 pa ang kasalan nina Ai-Ai at Gerald ngunit matapos ang ilang interview sa kanila ni Bishop Antonio Tobias ng Diocese of Novaliches, inirekomenda nitong huwag na itong patagalin.

Facebook Comments