Ai-Ai delas Alas, tinawanan ang balitang patay na siya: ‘Buti na lang maganda ako sa picture’

420
Instagram/@msaiaidelasalas

Idinaan sa biro ni Ai-Ai delas Alas ang kumakalat na balitang pumanaw siya matapos mabiktima ng pamamaril.

Sa Instagram nitong Lunes, inilabas ng comedy queen ang screenshot ng naturang fake news.


“Ito po ay fake news.. AKO AY BUHAY,” paglilinaw niya.

Nagmula ang ulat sa blog na gmanewsupsimelda.blogspot.com na gumamit ng litrato ng mga pulis na may sinusuring sasakyan.

Binanggit din ng aktres na mayroon aniyang kasabihan na kapag pinatay ang isang tao sa balita, o kaya ay managinip ng kamatayan, ay magkakaroon ito ng mas mahabang buhay.

Seryosong usapin man, nagbiro pa rin siya na, “Buti na lang maganda ‘ko sa picture, kung hindi magagalit ako.”

Facebook Comments