Ai-Ai, hindi raw tatanggihan sakaling magpadala ng wedding gift si Kris Aquino

nManila, Philippines – Hoping ang komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas na mabibiyayaan agad sila ng anak ni Gerald Sibayan matapos na maikasal.

Ito ang mabilis na sagot ng aktres nang tanungin siya kung ano ang nais niyang matanggap na wedding gift.

Wala raw problema sa kanya kung lalaki o babae basta cute at lalaking malusog.


Bukod sa anak, diretso ring sinabi ni Ai-Ai na pera ang materyal na bagay na gusto niyang matanggap sa kanilang kasal.

Hindi rin daw niya tatanggihan sakaling magpadala ng regalo si Kris Aquino na una nang napabalitang hindi imbitado sa kasal.

Ikakasal sina Ai-Ai at Gerald sa December 12.

Facebook Comments