AI at digital culture, tinalakay ni PBBM kasama ang mga Gen Z

Kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mabilis na pag-usbong ng artificial intelligence (AI) at ang malakas na impluwensya ng digital culture sa kabataan lalo na sa mga Gen Z.

Sa kaniyang podcast, sinabi ng Pangulo na hindi na maiiwasan ang AI dahil ginagamit na ito sa halos lahat ng sektor, mula edukasyon, imprastraktura, transportasyon, hanggang enerhiya.

Dahil dito, mahalaga aniya na matutunan ng bansa kung paano ito ganap na mapapakinabangan at kung paano masisiguro ang tamang regulasyon para maiwasan ang abuso.

Giit ng Pangulo, laging nauuna ang teknolohiya kaysa sa batas kaya dapat paghandaan ng mga mambabatas ang malinaw at responsableng polisiya sa paggamit ng AI.

Facebook Comments