AiAi Delas Alas, balik-eskwela

Opisyal nang sinimulan ng komedyanteng si AiAi Delas Alas ang kanyang baking classes sa Academy of Pastry & Culinary Arts (APCA) Philippines.

Ini-anunsyo mismo ito ni AiAi sa kanyang Instagram kung saan ibinahagi pa niya ang larawan nila ng kanyang mga classmates at ang ilan sa kanilang tasty-looking breads.

Sabi nga ni AiAi, ‘the more you learn the more you earn.’


Matatandaang isang online food business –– ang Martina’s Pastries –– ang pinapatakbo ng komedyante para makaipon ng extra income sa gitna ng pandemya.

Kabilang sa mga ibinebenta niya ay ipinagmamalaki niyang homemade ube at rainbow pandesal.

Facebook Comments