Naging palaisipan sa mga netizen, partikular sa mga fans ni Aiai Delas Alas, ang mensahe ng Comedy Queen sa mga umanong nanloko sa kanya sa negosyo.
Sa Instagram, nag-post ang award-winning comdienne ng pictures ng quotes tungkol sa pagiging matatag, kasama ang mahabang mensahe nito.
Sa umpisa ay nabanggit ni Aiai ang aniya’y pangarap niya para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
“Simple lang naman ang pangarap ko para sa buong pamilya–ang magkaroon ng food chain…”
Sa bandang huli ay nagmensahe ito sa mga umanong “nanloko” sa kanya sa negosyo.
“Anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si Lord na bahala sa inyo. Basta ako happy na lang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw, at madami blessing sa buhay ko,” ani Aiai.