Aicelle Santos, nakuha ang silver sa singing competition sa Vietnam

Muling itinaas ni Aicelle Santos ang bandila ng Pilipinas.

Matapos manalo ng silver medal sa ASEAN+3 song contest sa Vietnam.

Mula sa 22 professional singers na galing sa Southeast Asian Countries, China, Japan at Korea ay nakuha ni Santos ang 2nd place sa patimpalak.


Napa-‘wow’ ang mga judges sa interpretation ni Santos sa “Kapangyarihan ng Pag-ibig” ni Jungee Marcelo sa final round.

Si Santos ay lead star ng restaging ng hit musical na ‘Miss Saigon’ sa London.

Facebook Comments