Manila, Philippines – Tatlumpung pasyente ang naiulat na nasawi noong nakaraang buwan dahil na rin sa HIV/AIDS.
Ayon pa sa HIV/AIDS Registry of the Philippines o HARP ng DOH-National Epidemiology Center, may 950 na bagong kaso ng nakakahawang sakit ang naitala rin noong Mayo.
Mas mababa naman ito ss naitalang 1,098 na kaso noong Mayo ng nakaraang taon.
Base sa tala ng HARP…914 sa mga bagong kaso ay nakuha sa pakikipagtalik habang ang ibang pasyente ay nahawa dahil sa paggamit ng iisang karayom sa pagturok nila ng iligal na droga.
Ang ilang pasyente naman ay nahawaan ng sakit habang nasa sinapupunan sila ng kanilang mga ina.
Lima rin sa mga ito ay buntis nang malamang nahawaan sila ng HIV/AIDS.
Facebook Comments