AIDS | Kaso sa bansa, tumataas

Manila, Philippines – Umabot na sa halos 2,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) HIV-Aids Registry of the Philippines, 858 ang naitala nitong Hulyo habang nasa 1,104 na kaso nitong Agosto.

Sa pinagsamang datos, nasa 1,892 na kung saan 250 kaso rito ay nagkaroon ng full-blown AIDS.


Nakapagtala rin ang DOH ng 118 kaso ng pagkamatay dahil sa nasabing sakit.

Karamihan sa mga kaso ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik, paggamit ng mga infected needles at mother-to-child transmission.

Ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng HIV na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.

Sumatutal, nasa halos 47,000 hiv cases na ang naitala sa buong bansa mula pa noong 1984.

Facebook Comments