Aiko Melendez, napaiyak dahil sa isang post sa social media

Napaiyak ang aktres na si Aiko Melendez matapos mabasa ang isang post ng netizen sa social media.

Tinatawag kasi ng netizen na “kabit” sa aktres sa kanyang boyfriend na si Jay Khonghun.

Bunsod nito, pinatulan na ni Aiko ang foul post ng netizen.


Depensa ng aktres, hindi siya kabit dahil pumasok siya sa buhay ni Jay nang wala na sila ng kanyang ex-wife.

Sa katunayan aniya, matagal nang naka-file ang annulment ng boyfriend niya at ex-wife nito bago pa naging opisyal na sila.

Hindi na raw niya kasalanan kung wala pang desisyon dito ang korte at mabagal ang judicial system sa bansa.

Patama pa ni Aiko, ang kabit daw ay tinatago ang pagkatao, hindi katulad niyang lantad sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Kaya payo ng aktres sa netizen kung walang naman magandang sasabihin ay manahimik na lamang ito.

Facebook Comments