Aiko Melendez, tumangging makasama sa isang proyekto si Ara Mina

Showbiz – Tumanggi si Aiko Melendez na makasama sa isang project si Ara Mina kahit na nagkaayos na silang dalawa matapos ang labing-anim (16) na taong hidwaan.

May nag-suggest kasi na magsama sila sa isang pelikula lalo’t parehas naman silang award-winning actress.

Pero say ni Aiko, kakabati pa lamang nila ni Ara at mas gusto niyang irespeto ang proseso ng kanilang pagkaka-ayos.


Ayaw din raw niya na isipin ng mga tao na ginagamit lamang niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Ara.

Matataandaan na nag-ugat ang away ng dalawa nang nagkaroon ng relasyon sina Ara at Jomari Yllana na noon ay kasal pa kay Aiko.

Facebook Comments