Air assets ng mga pugante na galing din sa nakaw, hindi titigilan ng pamahalaan—PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi maaaring gamitin ang mga ari-arian na pinaniniwalaang mula sa kaban ng bayan bilang ruta ng pagtakas sa batas.

Ayon sa Pangulo, maaaring may kapasidad ang ilan na tumakas, pero hindi maaaring maging ligtas na daan ng pagtakas ang mga ari-arian, kabilang na ang mga pribadong sasakyang panghimpapawid, lalo na kung ito’y pinaniniwalaang nagmula sa pera ng taumbayan.

Kung dati aniya’y maaring magtago at maglakbay nang malaya, ngayon ay hinahabol na ng batas at dapat nang umuwi upang managot.

Babala ito ng Pangulo sa gitna ng pagtugis ng mga awtoridad sa mga air assets ni dating Congressman Zaldy Co na pinaniniwalaang nasa Malaysia at Singapore.

Tiniyak din ng Pangulo na mababawi ang bawat pisong ninakaw, bawat ari-ariang itinago, at ang bawat indibidwal na may pananagutan, upang maibalik ang pondo sa taumbayan.

Facebook Comments