Air at water sampling sa Oriental Mindoro, tatlong beses gagawin ng DENR kada linggo

Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources ang pagkuha ng hangin at tubig sa Oriental Mindoro para sa laboratory test.

Ito ay upang alamin ang kaligtasan ng hangin at tubig sa lalawigan matapos ang oil spill bunsod ng paglubog ng barko na MT Princess Empress noong nakaraang linggo.

Sabi ni DENR Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, tatlong beses kada linggo ang gagawin nilang test para mabilis na malaman kung ligtas na ba ang karagatan.


Sa unang test noong isang araw, negatibo sa anumang pollution ang hangin sa Oriental Mindoro habang hinihintay pa ang laboratory result ng kinuha na tubig.

Ang regular na air and water sampling ay isasagawa ng ahensya hanggat hindi nasisiguro na ligtas ito.

Noong Lunes, nagdeklara ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro matapos makontamina ng langis ang mga bayan ng Naujan at Pola mula sa lumubog na barko.

Facebook Comments