Air Defense Exercise, isinagawa kasabay nang nagpapatuloy na SAMASAMA 2023

Sa layuning mapaigting ang interoperability at kooperasyon sa pagitan ng Philippine at US Naval Forces partikular na sa mga larangan ng maritime security operations, maritime situational awareness, logistics, at command and control.

Isinagawa ang Air Defense Exercise (ADEX) sa nagpapatuloy na SAMASAMA 2023.

Sa pamamagitan ng ADEX, mata-track at matutukoy ang papalapit na mga aircraft, makakatulong din ito sa naval force na mapaghusay ang koordinasyon at defense system ng bansa at mahalaga sa pagpoprotekta sa ating vital assets.


Maliban dito, nagsagawa rin ang mga kalahok na navy ships at helicopters ng cross-deck landing at pagmamane-obra ng mga barko na bumuo ng “Solidarity, Loyalty, and Victory” formations na sumisimbolo ng kooperasyon, commitment at pagkakaisa ng dalawang bansa.

Ang taunang bilateral navy-to-navy exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay tatagal hanggang October 13, 2023.

Facebook Comments