Air fare inaasahang bababa sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Inaasahang bababa ang air fare o pasahe sa eroplano simula sa susunod na buwan.

Ito ay dahil sa pagmura ng presyo ng jet fuel na magreresulta sa pababa ng ipinatutupad na fuel surcharge ng mga airline companies.

Ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla – ang fuel surcharge mula domestic at international flights mula March 1 hanggang April 30, 2019 ay bababa sa level 2 mula sa level 3 nitong January-February period.


Sa ilalim ng level 2 ng fuel surcharge matrix, ang airlines ay magpapatupad ng dagdag na ₱45 hanggang ₱171 pesos kada pasahero para sa domestic flights, habang nasa ₱218 hanggang ₱2,076 para sa international flights.

Mababa kumpara sa kasalukuyang ₱74 – ₱291 increase sa domestic at ₱381 – ₱3,632 para sa international sa ilalim ng level 3.

Ang mga airline ay pinapayagang maningil ng fuel surcharge rates na mas mababa sa itinakdang level kung nanaiisin nila at depende rin sa kompetisyon nito sa iba pang carriers.

Ang fuel surcharge ang paraan ng mga airlines para makabawi sa kanilang pagkalugi dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments