I-au-auction sa New York sa halagang 5 hanggang 7.5 bilyong piso ang Air Jordan 1 na ginamit mismo ng dating NBA legend na si Michael Jordan.
Ang Air Jordan 1 ay gawa mismo ng kumpanyang Nike na may kumbinasyon ng kulay pula, puti at itim na may size 13 sa kaliwa at 13.5 naman sa kanan at pirmado rin mismo ng NBA superstar.
Inaasahan itong maibebenta sa Sotheby’s Auction na kilala sa pagbebenta ng pinakamahal na mga sapatos kung saan, kabilang sa kanilang naibenta na ay ang 1972 Nike running shoes na “Moon shoe” na naibenta sa halagang 22 bilyong piso.
Ang pag-auction sa naturang sapatos ay isinabay sa ika-35 anibersaryo ng Air Jordan habang magtatapos ang bidding hanggang sa Mayo 17.
Facebook Comments