Air Pollution sa Metro Manila, lumala kasabay sa pagsalubong sa bagong taon

Umabot sa mapanganib na lebel ang polusyon sa hangin sa Metro Manila kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, mula alas-11:00 ng gabi noong December 31, 2019 hanggang alas-2:00 ng hapon ng January 1, 2020 ay umabot sa “Hazardous” level ang Air Pollution sa kamaynilaan.

Naitala ang pinakamalalang Air Pollution o Hazardous level sa Mandaluyong City, habang nasa “very unhealthy” ang kondisyon ng hangin sa Taguig City at North Caloocan.


Pero sinabi ni Antiporda na ang lebel ng polusyon ngayong taon ay mababa kumpara noong nakaraang taon.

Babala ng DENR, posibleng magdulot ng Respiratory Infections ang sobrang maruming hangin.

Facebook Comments