Air traffic fiasco, hindi na mauulit pagkatapos ng maintenance activities – CAAP

Maaaring asahan ng publiko na wala nang air traffic fiasco ang magaganap pagkatapos ng maintenance activities ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) air traffic management system.

Papalitan ng CAAP sa Mayo 17 ang Air traffic management uninterruptible power supply (UPS), na bumagsak noong Bagong Taon.

Kaugnay nito, isasara ang airspace ng Pilipinas sa loob ng dalawang oras sa araw na nabanggit


Ang pagsasara ng airspace ng Pilipinas sa Mayo 17 ay tatagal ng 2 oras.

Nang tanungin kung mapipigilan ng maintenance ang mga posibilidad ng air traffic fiasco sa hinaharap, sinagot ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na mataas ang porsyento na wala nang mangyayaring aberya.

Aniya, ito na ang huling yugto ng kanilang maintenance na kinabibilangan ng upgrade ng mga air traffic management ng CAAP.

Samantala ang airspace shutdown ay makakaapekto sa mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CRK), Mactan-Cebu International Airport (MCIA), at ilang flight sa iba pang 42 CAAP commercially-operated airports.

Facebook Comments