Air unit ng PNP, magbabantay para hindi makatakas si Quiboloy at iba pang akusado

Magbabantay ang air unit ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtakas ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito na nahaharap ngayon sa kasong child abuse at human trafficking.

Ayon kay Police Regional Office 11 Regional Director PBGen. Nicholas Torre III, may private taxiway kasi ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) papunta sa Davao International Airport.

Aniya, sa hangar ng KOJC, may apat na helicopter at dalawang eroplano.


Gayunman, kanyang tiniyak na maximum tolerance pa rin ang kanilang ipatutupad at sisikapin nilang maging maayos ang susunod na paghahain ng warrant of arrest.

Patuloy rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya kay Quiboloy na harapin ng mapayapa ang kanyang kaso upang maiwasan ang sakitan o pagdanak ng dugo.

Facebook Comments