AirAsia, magdadagdag na rin ng flights sa 8 destinasyon simula sa Enero 1

88

Inanunsyo ng AirAsia Philippines na epektibo sa Enero 1 ay magdadagdag sila ng flights sa Caticlan, Kalibo, Iloilo, Tagbiliran, Puerto Princesa, Bacolod at Davao.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero pagkatapos ng holiday season.

Kasabay nito, magbubukas ang air carrier ng hub sa Clark International Airport sa Pampanga sa Enero 2.


Kaugnay naman ito ng kanilang Clark-Caticlan flight na tatlong beses sa isang linggo.

Facebook Comments