
Magbibigay ang AirAsia ng kinse pesos sa bawat seat na kanilang mabebenta, para sa mga sinalanta ng Bagyong Tino sa Cebu.
Inanunsyo ito ni AirAsia Philippines President and CEO Capt. Suresh Bangah sa kanyang pagtungo sa Cebu para sa inaugural flight ng kanilang direct flight mula Cebu patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Tiniyak din ni Cap. Bangah ang kanilang patuloy na suporta sa pagbangon ng Cebu lalo na’t maraming mga residente ng lalawigan ang matinding naapektuhan ng malakas na lindol at bagyo.
Tiniyak din ng airline ang kanilang tulong sa pagpapalakas ng turismo ng Cebu.
Ayon sa AirAsia Philippines, epektibo ang kanilang donasyon na kinse pesos sa bawat seat nitong November 15 at tatagal ito hanggang January 14, 2026.
Facebook Comments









