Sugatan ang ilang pasahero ng isang airconditioned bus matapos bumaliktad sa kanto ng south bound lane ng NLEX paglagpas sa pagitan ng Valenzuela Exit at Balintawak.
Ayon sa pamunuan ng NLEX traffic control center, sinakop ng nakahambalang na bus ang dalawang linya ng kalsada kung saan hindi na ito madaanan ng mga motorista.
Nagdudulot ngayon ng mabigat na daloy ng trapiko ang nasabing insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ang bilang ng mga pasaherong sugatan at kung ano ang dahilan ng pagtaob ng bus.
Facebook Comments