Aircraft na gamit ng militar sa nangyaring friendly fire sa Marawi City, grounded na

Manila, Philippines – Hindi na muna gagamitin ng tropa ng Militar ang aircraft na ginamit sa pumalpak na airstrike sa Marawi City kahapon.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, matapos ang nangyari kahapon ay agad na sinuspinde ang operation ng FA 50 fighter jet.

Sa ngayon, habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon hindi nila gagamitin ang aircraft.


Nais raw kasing matukoy ng militar kung ano ang dahilan nang nangyaring friendly fire sa Marawi at mapanagot kung mayroong may pagkukulang.

Matatandaang sa nangyaring friendly fire kahapon sa Marawi City, dalawang sundalo ang patay habang 11 iba pa ang sugatan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments