Hindi pa rin nahahanap ng mga otoridad ang isang Beechcraft Baron 55 (BE55) trainer aircraft na nawala matapos mag-take off sa San Jose Airport noong Biyernes.
Ang nawawalang aircraft ay pinatatakbo ng Orient Aviation Corporation kung saan lulan ang Filipino pilot-in-command at isang Saudia Arabian national student.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hindi na sila nakatanggap pa ng report magmula nang mag-take off ang aircraft 8:13 ng umaga noong May 17.
Sa ngayon ayon sa CAAP, apat na grupo ang naghahanap sa missing aircraft kabilang dito ang Angel 922 Helicopter ng Philippine Air Force, 310 Islander aircraft at King Air private jet ng Philippine Navy kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).
Agad namang maglalabas ng ulat ang CAAP sa oras na makatanggap sila ng development sa isinasagawang search and rescue operations.