Airline companies, inabisuhan ng CAB at DOTr na magtakda ng naaayon na fuel surcharge

Inabisuhan ng Civil Aeronautics Board (CAB) at ng Transportation Department ang airline companies na magtakda ng tamang fuel surcharge.

Ito ay matapos ibaba ng CAB sa Level 4 ang passenger at cargo fuel surcharge para sa domestic at international flights.

Bunga nito, bababa ang pamasahe sa eroplano ng ₱117 hanggang ₱342 para sa domestic flights.


Habang ₱385.70 hanggang ₱2,867.82 naman ang ibababa sa International flights.

Facebook Comments