Airline companies na may domestic flights hindi na required maglaan ng isolation area para sa mga pasahero na makikitaan ng sintomas ng COVID-19

Hindi na nirerequire pa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga airline companies na may biyaheng domestic na magkaroon ng bahagi sa kanilang aircraft ng isolation area para sa pasahero na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang polisiya ay inindorso mismo ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Paliwanag ni Roque hindi na ito kailangan dahil nirerequire naman ng mga airline companies ang mga pasahero nito na magpakita ng negative Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) o Antigen Test results bago ang kanilang flight.


Hindi rin pinapayagang makabiyahe ang mga symptomatic individuals.

Maliban dito, mayroon din namang High Efficiency Particulate Air (HEPA) filters ang mga eroplano, sapat na para masala ang hangin sa loob ng aircraft lalo na’t ang itinatagal lang naman sa domestic flight ay isa’t kalahating oras.

Sinabi pa ng kalihim na ang pagtanggal sa nasabing requirement ay hindi naman tumataliwas sa protocols ng World Health Organization (WHO) at ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Facebook Comments