Pinulong ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines kanina ang Airline Operators Council (AOC) at ang Philippine Airlines (PAL) hinggil sa pag-handle sa mga dayuhang pasaherong na-deny sa bansa.
Sa harap ito ng pagdami ng mga pasaherong na-exclude at natutulog ngayon sa NAIA.
Ayon kay Ines, responsibilidad ng airline na ipabalik sa country of origin ang mga pasaherong na-deny ang entry sa Pilipinas.
Nangako naman ang airline operators na magsusumite sila ng proposal sa MIAA hinggil sa naturang usapin.
Sa panig ng Philippine Airlines, tiniyak nito na handa silang kupkupin sa kanilang lounge ang mga dayuhang pasaherong na-deny ng Bureau of Immigration (BI).
Facebook Comments