AIRPORT | Bagong paliparan sa Palawan, pasisinayaan ngayong araw

Palawan – Sa layuning mapataas pa ang turismo sa bansa, pasisinayaan ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang San Vicente Airport sa Palawan.

Ang konstruksyon ng P62.7 million airport ay nagsimula noong 2009 kung saan inaasahang lalago ang Flagship Tourism Enterprise Zone.

Pagkatapos ng inauguration ngayong araw, lilipad na ang mga commercial flights sa nasabing paliparan patungo sa iba’t ibang destinasyon sa Palawan.


Kilala ang bayan ng San Vicente bilang isang first-class municipality kung saan makikita ang pinakamahabang white beach sa bansa na sinasakop ang 14-kilometrong coastline o baybaying dagat o ang 4 na barangay ng San Vicente, Palawan.

Pangungunahan ang inagurasyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade kasama sina DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, CAAP Director Jim Sydiongco, at Palawan Governor Jose Alvarez.

Facebook Comments