
Kinumpirma ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang pagkaka-aresto nila sa Clark International Airport sa Pampanga sa 28-anyos na lalaking airport employee.
Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng suspek sa illegal recruitment activities na nag-aalok ng trabaho sa mga Pinoy sa POGO sa Cambodia.
Kasama ng AVSEGROUP sa pag-aresto sa suspek ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Base sa reklamo ng biktima, na-recruit siya ng suspek sa isang POGO community page bilang customer service representative sa Cambodia.
Kalaunan aniya ay natuklasan niyang panloloko pala ito.
Ang kaso paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 laban sa suspek ay nairefer na ng AVSEGROUP at IACAT SA Office of the Prosecutor ng Department of Justice, para sa inquest proceedings.









