Airport Police Department, kinumpirmang wala silang natanggap na direktiba na idaraan sa NAIA 1 si Alice Guo

Kinumpirma ng Airport Police Department (APD) na walang direktiba sa kanila na maghanda sa posibleng pagdating sa NAIA 1 ni dating Mayor Alice Guo ngayong hapon.

Ayon sa APD official na tumangging humarap sa camera, taliwas aniya ito sa kanilang paghahanda noong dumating sa bansa sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.

Kapansin-pansin din na walang police mobile patrols o mga puwersa ng PNP Aviation Security Group at maging ng NBI sa labas at loob ng NAIA 1.


Taliwas ito sa sitwaayon nang dumating sa bansa sina Shiela at Cassandra.

Una rito, kinumpirma ni Senador Raffy Tulfo na darating mamayang 6:18 ng gabi si Guo sakay ng chartered Flight RP-C6188.

Kasama aniya sa nasabing flight sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Marbil.

Facebook Comments