Airport police, gumawa ng hakbang para matulungan ang mga security guard at janitors na itinuturing din na frontliners ngayon COVID-19 Pandemic

Sumasaludo ang DZXL- RMN Manila sa mga frontliners na katulad ni Lieutenant Jesus “Jess” Ducusin, isang airport police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hindi nag-atubiling tulungan ang mga katulad niya ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Nagsimulang tulungan ni Ducusin ang mga frontliners na hindi masyadong napapansin ngayon panahon ng krisis tulad ng mga security guards at janitors sa naia kung saan binilihan niya ito ng libreng tanghalian.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni ducusin na nanaig sa kanya ang obligasyon moral para tulungan ang mga katulad niyang nagbabantay sa bayan.


Mula sa simpleng libreng tanghalian, nakalikom si Ducusin ng PHP 70,000 na ipinambili ng relief goods at ipinamahagi sa mga security guard at janitors sa NAIA terminal 1, 2, 3 at 4.

Kasabay nito, patuloy ang panawagan ng bayaning airport police sa publiko na tulungan ang ating mga frontliners.

Facebook Comments