Airport police ng MIAA, mananatili sa pagpasok ng private concessionaire

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mananatili ang presensya ng airport police Department sa NAIA.

Ayon kay MIAA Spokesman Atty. Chris Noel Bendijo, ito ay sa pagpasok ng private concessionaire na New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) sa susunod na buwan.

Ayon kay Bendijo, asahan ang malaking improvements sa NAIA terminals sa pag-take over ng NNIC.


Aniya, hindi lamang ang loob, kundi maging ang labas ng paliparan ang isinasaayos.

September 14 ang target na petsa ng pagpasok ng NNIC sa NAIA.

Facebook Comments